Pilipinas : Perlas ng Silangan
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na pulo at 2,000 dito ay pinanahanan. Pinangkat ang mga ito sa tatlong pangunahing mga pangkat ng pulo, ang Kalusunan, Kabisayaan at Kamindanawan. Ang Pilipinas ay mayaman at sagana sa mga likas na yaman kaya naman maraming mga dayuhan ang nais sumakop sa atin. Kilala rin ang Pilipinas dahil sa iba't ibang mga magagandang tanawin na maaaring pasyalan o puntahan kung kaya't maraming mga dayuhan ang dumadayo at nagbabakasyon sa ating bansa.
Naging hilig na nang aming pamilya ang tuklasin ang iba't ibang magagandang lugar sa iba't ibat parte ng Pilipinas. Nakasanayan namin na tuwing may espesyal na okasyon o may mahabang bakasyon ay nagpaplano na kami ng maaari naming puntahan o pasyalan. Hindi alintana ang pagod at perang nauubos, ang pinakamahalaga para samin ay masaya kaming magkakasama. Isama mo pa rito ang mga magagandang lugar na aming napupunatahan at nakikita, higit pa rito naging "bonding" narin namin ito bilang isang pamilya.
Narito sa ibaba ang ilan sa mga lugar na aming napuntahan na maaari niyo ring tuklasin nang kayoy'y mamangha sa likas na kagandahan ng ating bansang Pilipinas:
Narito sa ibaba ang ilan sa mga lugar na aming napuntahan na maaari niyo ring tuklasin nang kayoy'y mamangha sa likas na kagandahan ng ating bansang Pilipinas:
1. Baguio, City - Ang Baguio ay isang highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang
punong-lungsod ng Cordillera
Administrative Region. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod at
idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly". Ang pangalang Baguio
ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig
sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro ang taas ng
lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga puno at mga halamang namumulaklak. Madalas ang pagpunta namin sa Baguio, una sa kadihalanang gustong gusto namin ang malamig na klima doon at higit sa lahat ang ang aking lola ngayon na nasa Amerika ay may bahay doon na aming natutuluyan.
2. Sagada, Mountain
Province - Ang Sagada ay isa sa sampung munisipyo
ng lalawigan ng Mountain Province sa Cordillera Administrative
Region (CAR). 19 na kilometro ang layo nito sa Bontoc na kabisera ng Mountain Province. Kung nais ng
liblib at eksotikong pook ay sa Sagada magtungo. Mula Maynila ay 275 kilometro ang layo ng Sagada at 100 naman mula
sa Baguio. Mas kilala ng mga turista ang Sagada kaysa sa Bontoc. Singganda ng
sa Banaue ang rice terraces dito kahit hindi
kasingsikat. Kung ang dinding ng mga hakbang ng terrace sa Banaue ay gawa sa
pinatigas na lupa, gawa naman sa pinagpatung-patong na bato ang sa Sagada. Pagkatapos naming tumungo sa Bagiuo ay bumyahe kami ng 6 na oras upang makarating sa Sagada, sulit ang pagod sa byahe dahil malamig at tahimik ang mga bayan doon. Sinubukan rin naming pumasok sa isang masukal at matarik na kweba.
3. Banaue, Ifugao - Kilala ang Banaue Rice Terreces bilang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ito ay isa sa mga binansagang World Heritage Site ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization) at ikawalo sa mga kahangahangang pook sa buong mundo. Ang hagdanang-tanimang ito ay nililok 2000 taon ang nakalilipas ng mga ninuno ng mga mamamayang Batad sa mga bulubundukin ng Ifugao. Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao. Nagplano ang aming pamilya dahil anibersaryo ng aking mga magulang kung kaya't napagdesisyunan naming pumunta doon. Aabutin ng labing isang oras ang byahe mula Maynila, kung kaya't kung may plano kayong pumunta rito ay siguraduhing handa para sa isang mahaba habang byahe.
5. Pagudpud, Ilocos Norte - Ang Pagudpud ay isang bayan sa tabi ng dalampasigan sa hilagang dulo ng Luzon na kilala bilang bakasyunan. Napaligiran ito ng bayan ng Bangui sa timog, at ng bulubundukin ng Cordillera, bayan ng Adams, at probinsya ng Cagayan sa silangan. Ang South China Sea naman ay nasa hilaga at kanluran nito. Ang bayan ng Pagudpud ay sumasaklaw sa mga bundok, burol, lambak, at mga dalampasigan. Matatagpuan ito 45 milya sa hilaga ng Laoag, ang kapitolyo ng probinsya, at 350 milya sa hilaga ng Maynila. Pagkatapos naming magtungo sa Vigan ay bumyhahe kami ng ilang oras bago makarating sa Norte kung saan pumunta kami sa napakaganda at napakalinaw na dagat sa Pagudpud.
6. Boracay, Aklan - Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na matatagpuan sa timog ng Maynila sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak. Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista. Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong 'White Beach' na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo at nahirang noong 2012 sa Travel + Leisure Magazine bilang "best island in the world". Mahal na araw taong 2015, nagtungo kami sa Boracay. Sumakay sa roro at tumigil sa iba't ibang daungan, nakakapagod man ang byahe ay hindi iyon alintana sa amin dahil natunghayan namin ang tunay na kagandahan ng isa sa mga pinakasikat na beach dito sa Pilipinas.
7. Negros Occidental Bacolod, City - Ang Lungsod ng Bacolod ay ang kabisera at pinaka-maunlad na pook sa lalawigan ng Kanlurang Negros. Ayon sa 2007 may total na populasyon na 499,497. Ang lungsod ay kilala para sa piesta ng MasKara na nangyayari sa Oktobre at tinatawag rin bilang "The City of Smiles" at "Football City of the Philippines". Ang Bacolod ay bago lang nanguna sa survey ng MoneySense Magazine bilang pinaka-magandang lugar na tirahan. Pagkatapos naming mamalagi sa Boracay ay sumakay kami ng "Super Ferry" patungong Bacolod. Sobrang namangha kami sa istrakturang tinatawag nilang "Ruins" para narin akong nakarating sa ibang bansa ng matunghayan ko ito. Nalaman rin namin na ang istrakaturang ito ay pinag "shootingan" ng isang sikat na teleserye, sa isang sikat na estasyon noon.
8. Jordan, Guimaras - Ang Guimaras ay isang pulong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kilala ang lalawigan sa mangga na pangunahin nitong produktong na iniluluwas pa sa ibang bansa. Jordan ang kabisera ng lalawigan. Pagkatapos naming magpunta sa Bacolod ay muli kaming sumakay sa isang bangka naman patungong Guimaras. Natikman namin ang napaka tatamis na mangga na ipinagmamalaki ng kanilang lalawigan, pati narin ang iba't ibang produkto nilang gawa sa mangga tulad ng mga kendi, "dried mango", pastillas, "tart" at kung ano ano pa.
9. Vinzons, Camarines Norte - Ang Bayan ng Vinzons ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Camarines Norte, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 37,893 sa 7,407 na kabahayan. Tacboan ang unang naitalang pangalan ng bayan ng Vinzons at lumaon ay pinalitan na Indan. Pinalitan ito bilang "Vinzons" bilang parangal kay Wenceslao Q. Vinzons, isang dating gubernador ng lalawigan ng Camarines Norte. Sobrang namangha ako sa ganda ng Calaguas Island, para sa akin kung ikukumpara ko ito sa Boracay ay mas malinaw at mas asul ang dagat dito dahil wala pang masyadong nakadidiskubre at wala pang mga establisimiyento rito. Mula sa bayan ng Vinzons, kailangan mong bumyahe ng 2 oras sa dagat gamit ang bangka bago ka makarating sa paraiso na ito at tanging tent lamang ang aming tinuluyan, at ang lamig ng simoy ng hangin ang nagsilbing bentilador namin.
10. Tanay, Rizal - Ang Tanay ay isang ika-1 klase na bayan sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay matatagpuan 57 kilometro silangan ng Maynila, ngunit ang karaniwang pagkokomyut sa pagitan ng Maynila at Tanay ay umaabot ng mahigit tatlong oras depende sa kondisyon ng trapiko. Meron itong mga bahagi ng bundok ng Sierra Madre at ang hinahangganan ng Lungsod ng Antipolo sa hilagang-silangan, Baras, Morong at Teresa sa kanluran, General Nakar sa silangan, at Pililla, Santa Maria at pati na rin ang Lawa ng Laguna sa timog. Linggo nang kami'y nagtungo sa Regina Rica sa Tanay, Rizal, ito ang sinasabi ng nakararami na naghihimala o nagdadala ng milagro at kinakailngan mong umakyat ng hagdan na maraming hakbang bago ka makarating dito. Ang imahe na ito ay umaabot ng pitumput isang talampakan ang taas.
Napakasayang mamasyal at maglibot sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, talaga namang nakaka aliw at nakakamangha ang kagandahan nito. Marami pang mga lugar sa Pilipinas ang nais kong mapuntahan, para sakin ay simula pa lamang ito nang pagtuklas ko sa mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Pilipinas. Dapat nating mahalin at tangkilikin ang mga lugar na ito, o kaya'y maaari nating hikayatin ang nakararami na tuklasan din ang mga lugar na ito upang mas umunlad pa ang ating bansa. Huwag tayong matakot na sumubok sa mga pupwedeng nating gawin, sabi nga nila maikli lang ang buhay ng tao kung kaya't gawin mo ang kung ano ang nakakapagpasaya sayo o kung ano ang ikasasaya ng puso mo.
References:
from this source bulk sex dolls,real dolls,male masturbator,male masturbator,wholesale sex toys,wholesale sex doll,custom sex doll,sex chair,wholesale sex toys find out
TumugonBurahinf775r9xvwue305 women sexy toys,sex chair,horse dildos,prostate massagers,double dildos,sex toys,Discreet Vibrators,male sexy toys,dildo f951w1woizv004
TumugonBurahin