Pilipinas : Perlas ng Silangan
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na pulo at 2,000 dito ay pinanahanan. Pinangkat ang mga ito sa tatlong pangunahing mga pangkat ng pulo, ang Kalusunan, Kabisayaan at Kamindanawan. Ang Pilipinas ay mayaman at sagana sa mga likas na yaman kaya naman maraming mga dayuhan ang nais sumakop sa atin. Kilala rin ang Pilipinas dahil sa iba't ibang mga magagandang tanawin na maaaring pasyalan o puntahan kung kaya't maraming mga dayuhan ang dumadayo at nagbabakasyon sa ating bansa. Naging hilig na nang aming pamilya ang tuklasin ang iba't ibang magagandang lugar sa iba't ibat parte ng Pilipinas. Nakasanayan namin na tuwing may espesyal na okasyon o may mahabang bakasyon ay nagpaplano na kami ng maaari naming puntahan o pasyalan. Hindi alintana ang pagod at perang nauubos, ang pinakamahalaga para samin ay masaya kaming magkakasama. Isama mo pa rito ang mga magagandang lugar na aming napupunatahan at nakikita, higit pa ...